a post worth reblogging ♥
ego boost x 100000
Sabi ni Neil, `yung bespren kong lalaki, nakakataas daw ng ego kapag may kras sa`yo `yung kunwari, same sex—kunwari babae ka tapos kras ka ng tibo o lalake ka tapos kras ka ng bakla, nakakatuwa daw `yung ganun.
May dalawang nangyari sa akin na pwede nating masabi na “nakakataas ng ego” hahaha una, `yung pinsan ng kaibigan ko na si Jyo. Arhae ata pangalan sa fb basta friend ko sa fb `yun eh, ito kasing si Jyo parang binubugaw ako sa mga pinsan niya na magkapatid, tomboy - RA at lalaki - Denden tapos may kras daw kasi sken `yung dalawa blah blah blah.
Last na naaalala ko nung tungkol kay RA eh nung time na nasa jeep na kami ni Jyo tapos parang nakasabay namin sa paglalakad yung pinsan niya, sinabi daw ni RA sa kanya “mas gumanda si Rayne ngayon”
AHIHIHIHI!
Yung pangalawa naman, sa peysbuk. May nag pm sa akin na chicks, as in chicks siya, ankyot niya tapos kras daw niya ako tapos ako naman “ha? babae ka di ba?” akala ko kasi gf lang niya yung nasa dp ganun pero sabi niya “oo, babae ako pero tomboy talaga ako” medyo nag explain pa siya nun ganito ganyan tapos sabi niya nag pm daw siya sa akin dati gamit ung tomboy account niya tapos parang hindi ko sure kung pinansin ko ba siya o hindi.
Tapos wala lang, bumagsak ego ko kasi mas maganda siya sken hahahahahahaha.
Wala lang tong kwento na to, madaling araw naman kaya walang masyadong makakabasa, gusto ko lang ishare :D