Ang ganda niya o____o

Ang ganda niya o____o

Bakit ba ako nagsulat? :)

Bakit ba ako nagsulat? :)

akopinay12:

Just like moving on, paano ka magmomove-on kung hindi mo maa-accept ang fact na wala na talaga kayo? Okay lang na maalala mo siya paminsan minsan dahil nagmahal ka lang at naging parte siya ng buhay mo pero kung ipipilit mo pa ang sarili mo sa isang tao, ikaw lang din ang gumagawa ng problema mo, diba?

Cc vs Wattpad

May nagtanong sa akin na anon:

May ilan dito na nakakaalam na galing akong CC or Creative Corner na nagpunta ng Wattpad.

Kung tatanungin ako kung anong MAS nagustuhan ko, wala—kasi mahal ko ang dalawang website na `to.

Bakit? Kasi iba ang experience na binigay sa akin ng CC at iba rin naman ang sa wattpad. Mas nauna kong nakilala ang CC at doon ako nakakilala ng mga friends—mga kasabayan ko na hindi pa sikat. Mas nahubog ako bilang writer sa CC, doon talaga ako nagsimula, dahil sa CC, nagkaroon ako ng mga readers na nagpunta namang wattpad.

Kung sa wattpad naman, ganun rin naman pero mas marami ang magiging readers doon at mas marami kang makikilala doon dahil nga easy access at user-friendly samantalang sa CC eh kakaunti lang kayo pero bonded naman.

Wala talaga pramis, parehas ko silang mahal—walang lumalamang. Both, both as in both! Kung kunwari dalawa silang importanteng tao sa akin tapos kunwari nasa bangka kami at ako lang marunong lumangoy tapos isa lang pwede iligtas?

Wala akong liligtas, sabay sabay na lang kaming mamatay dahil wala talaga akong pipiliin sa isa sa kanila. ♥

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagsusulat. ♥

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako titigil sa pagsusulat. ♥

"Voice out your opinion with intelligence and respect, not with stupid and foul words. You are an educated person so act like one."
"Lahat ng nakatag na pilosopotasya, nilike ko! Hahaha. Ang ganda ko talga! Mana ako kay Ulaaaaaaaan."
(via yaniohee)

“At first, I thought love is undefined…… AFGITMOLFM pala.”

nagiinarteee:

Nung isang araw ko sya sinimulan basahin, paunti unti lang ako nun kasi sinisingit ko lang pagbabasa sa mga ginagawa ko nun. Tapos kagabi, nagbasa ako chapter 12-22 yata. Tapos kanina, tinapos ko na! Mga 12nn hanggang 8pm yata? HAHAHAHA tumigil naman siguro ako ng mga 1 hr or less? Kumain lang tapos di ko napigilan eh, nagbasa pa din ako. Kamusta naman ang 80 chapters diba? HAHAHAHAHA Pero grabe, sobrang worth it. <3

Yun nga yung story na nakapagpakilig, nakapagpaiyak, nakapagpatakot, may suspense ba(?) hahaha, basta parang lahat nandun na. All in one ba. Nakakatawa din sya kasi yung mga banat ni Rayne dun sa mga POV ng characters. Imba. Yung pagsegway niya, natatawa lang ako. 

Tapos ko na basahin pero nasasaktan pa din ako pag naaalala ko si Nate. Haixt, basta ang ganda lang ng twist tho lahat naman yata ng story na nabasa ko is maganda yung twist ng story, pero ewan ko this one’s different in some way. 

Mej nakakarelate ako dun sa character na si Ianne kapag yung mga kinakabahan sya kapag lumalapit yung si Art or whatsover. Yung times na gusto niya magbreakdown kasi gusto niya iiyak lahat. Yung times na ginagawa niya maging matapang, pero all of a sudden di niya kaya. Eto pa, yung time na sobrang tapang niyang awayin si Nate! HAHAHAHA SHET GALING NUN! =))

Ganda ng story ni Rayne (pilosopotasya). Tho tinanggihan niya ipublish tong story nya as a book, saludo pa din ako sa reason mo Rayne kung bakit ayaw mo. Ganda ng story mo mwamwa. Pag nakita mo ko ulit sa SM Val or vice versa, papapicture at autograph na ko sayo huehuehue <3 Mwa!

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko pati kung ano itatawag ko sa`yo, Kae na lang? Hahahahaha grabe. Alam mo minsan parang naiisip ko, nakakahiya makipag usap sa`yo dahil medyo high ka tapos haha wala lang, nakakahiya na nakakatuwa dahil binasa mo ang AFG.

Thank you dito. ♥

hrlnmay:

Hindi kasi lahat ng wattpad story, madaming reads. Hindi lahat ng madaming reads, maganda. Hindi lahat ng sikat na stories, sulit na ma-publish. Hindi lahat ng storya, mananatili yung epekto sa mga bumabasa kahit putulin at ikut-ikutin pa ang “plot”. At hindi lahat ng authors, madadaan ng publishing company sa silaw ng instant book. Hindi lahat ng wattpad authors, gustong mapublish ang gawa nila na iba sa original na nagpahanga sa ibang tao, di ba?

Read More

Thank you para dito, sa reaksyon na `to. Hindi ko inaakala… grabe lang, basta, thank you. :”>